Monday, July 19, 2010

Pautang


07/19/10
10:05 am
Bay Ridge

Pautang

Kayod-kabayo,  
Pukpok sa martilyo.
Pilit idinugtong ng mga pakong kalawangin,
Mga basang kahoy, natuyo ng hanging mahabagin

Tubig at pawis
Naghalo sa kalsadang marungis
Batang aba, lumangoy sa dapat na batis
Animo’y ilat sa alingasaw at putik

Dugo mong busilak
Sa uga’t lamang ang pagdanak
Ngayo’y itim na galos sa balat
Itim na islang nailubog ng luhang alat

Mga alaalang itinatangi
Inilibing ng agos at sidhi
Hikbing nag-uumapaw, pilit sugpuin 
Maisalba lamang, mga santo’t panalangin

Hagupit ng kalikasan
Parusang di ninais makamtan
Tila mga langgam sa munsik,  
Ngunit sa diwa’t isipa’y lakas ng pananalig


No comments:

Post a Comment